News
In this column I'll include any breaking news on my favorite star, including upcoming movies, planned talk show appearances,
box office figures, and so on.
Here's an example of the format I might use for the entries on this page:
LJ Reyes at Mike Tan, Aamin na ba?
Kahapon, Miyerkules nakuha ni LJ Reyes ang bagong biling sasakyan na Ford Everest na ayon sa dalagita ay galing sa dugo’t
pawis niya.
Kaso, niloloko siya ng boyfriend niyang si Mike Tan na mukhang "FX" daw na ikinapipikon naman ng dalagita.
"Kasi po, hindi ko sinunod ang payo niyang pareho na lang kami ng sasakyan na Innova, eh, ayoko po no’n," sumbong
naman ni LJ sa amin sa taping ng Love to Love.
Kung makakasama namin ng maghapon sina Mike at LJ ay malamang na mabaliw
kami dahil wala yata silang ginawa kundi magsumbatan o magtuksuhan hanggang sa may mapikon na pawang sa maliit na bagay nagsisimula.
Umpisa sa pagsu-suot ng damit ni LJ na sinisita ni Mike na ikinaiinis naman ng dalagita, pagiging childlike ni LJ
na muling ikinaiirita ni Mike at ang napaka-cheap ay ang pagpupumilit ni LJ na tikman ni Mike ang paboritong pagkain ng Chinese
na lugaw na lalagyan ng karne ng baka na mabenta raw sa Ongpin.
"Eh, kasi po, ayaw niyang tikman ‘yung dala
kong food na may lugaw na may karne, ang sarap po no’n, ayaw daw niya ang lasa, e, hindi pa naman niya natitikman,"
pagkukwento ni LJ habang nagmi-make face naman si Mike at saka sasabayan na kunwa’y nasusuka.
"Eh, kasi po,
hindi po ako talaga kumakain no’n, eh, ang kulit niya. Tapos, mapipikon na," ganting sagot naman ng binata.
Sabi
namin na walang kapupuntahan ang usapang ito, buti pa, umamin na lang kayong mag-on na kayo?
At naloka kami sa sagot
ni Mike, "Eh, di po ba natanong n’yo na ‘yan, paulit-ulit lang kayo?" na sinabayan din ni LJ ng "Oo nga, paulit-ulit."
At natameme sila nu’ng sumabat si Mark Herras ng, "Sige na, umamin na kayo, na kayo na."
Bahala na ang
readers kung ano nga ang real score ng dalawa na walang ginawa kundi magbwisitan, pero hindi raw sila magkarelasyon, huh?
At nahuli sila nu’ng tanungin sila kung ilang percent ang importansiya ng bawa’t isa, na halos magkasunod
na sumagot ng "100%" at mahal ba nila ang isa’t isa at kaagad ding sumagot ng "opo." — REGGEE BONOAN
^_^
|